Celebrate good times. :D
Usapan na talaga na after ng Ga eh inuman na. At natuloy naman ‘to. Sinugod namin ang ubod ng lakas na ulan. 20+ din ata kami dun. Sandamakmak na red horse at Antonov na orange at apple ang asa harapan namin plus yung cocktail drink na di ko alam ang tawag at mga pulutan. HAHAHA. Loser ko at di ko alam yun.
Sobrang dalang ko kasi uminom. Actually umiinom lang ako kapag HS barkada ang kasama ko. :)) Pero yung kagabi eh masayang inuman with college friends kahit na medyo sabog na ko. Nakadalawang bote lang ako ng antonov pero sabog na agad. Haha. Ang mahirap lang sa’kin pag umiinom eh pag ubos na yung akin, pati yung iniinom ng iba iniinom ko. Sugapa lang. =)))) Tapos sobrang daldal ko at habang tumatagal eh dire-diretso na inom ko. Hahaha. Behaved na talaga ko next time na iinom ako. :))
Sobrang enjoy lang ng celebration. Mas masaya at enjoy sana kung kumpleto kami.
Best section everrrrr. :D Nawa’y maulit ang ganun. :))