ABOUT ME

Jenika Perez Villamar | Jen | 17 years of age | June 27, 1993 | Marian-Thomasian | Taking up BS Management Accounting in UST AMV College of Accountancy | I have a short temper | I'm really good at sleeping and eating. | I reblog most of the time |


THANKS TO
Sugar by: Iheartyouxoxo18
Best viewed in Google Chrome

MONKEY EATING EAGLE

Hindi ko na talaga makakalimutan tong animal na ‘to dahil sa kaibigan ko na si Patty.

Exam kasi namin sa Law kahapon. Multiple choice yung exam pero ang hirap. Nakakatamad basahin yung question dahil ang haba. Majority kasi situational. At dyan papasok ang monkey eating eagle. May situation dun na yung isang tao ay magbibigay ng mammal na may four legs. At yung 3 animals na nabanggit ay monkey eating eagle, tarsier at crocodile at ang tanong ay kung ano daw sa tatlo ang legal na ibenta. Ang sagot ko none of the above kasi feel ko illegal magbenta ng ganyan.

So ayun, natapos ang exam at si Patty agad ang nakita ko sa labas ng room. Nagreklamo pa kami na ang hirap ng exam at mas gugustuhin pa namin yung essay na exam kasi nakakalito yung multiple choice. Nagtanong siya kung anong sagot ko dyan sa nabanggit kong situation at tinanong niya ko kung mammal daw ba ang monkey. Sabi ko oo pero sinabi ko rin na none of the above ang sagot ko. Lumabas si Den at ang sagot niya ay crocodile kaso naisip namin na reptile yun. Bigla kong nasabi kay Patty na “Di’ba eagle yung monkey eating eagle? Edi bird yun, hindi mammal.” At dun niya sinabi na AKALA DAW NIYA YUNG MONKEY AY KUMAKAIN NG EAGLE. =)))) Ang saya talaga magkaron ng kaibigan tulad ni Patty. :))

  1. jenikaaa9 posted this


SUGAR by IHEARTYOUXOXO18